Connect with us

Aklan News

Ilang bakeshop, di magtataas ng presyo ng tinapay sa kabila ng pagsirit ng presyo ng harina

Published

on

Sa kabila ng pagsirit ng presyo ng harina at ilang mga sangkap, hindi pa rin magtataas ng presyo ng tinapay ang ilang mga bakeshop sa bayan ng Kalibo.

Ayon kay Emma Fernandez, may-ari ng isang bakeshop sa Kalibo, hindi sila magtataas ng presyo ng tinapay at hindi rin nila babawasan ang timbang ng mga paninda.

Ang mahalaga aniya ay magpatuloy lang ang kanilang paghahanap-buhay kahit na kaunti lang ang kanilang tubo.

“Maskin sangkiri eang ro amon nga tubo basta padayon eang ro amon nga pangita,” saad niya.

Naglalaro na ngayon sa P1020 ang presyo ng isang sako ng harina kumpara sa dating P990 at nagtaas na rin ang presyo ng iba pang pangunahing sangkap sa paggawa ng tinapay.

Kaya umaaray na ang ilang mga negosyante at humihirit ng taas presyo ng kanilang produkto sa Department of Trade and Industry. |with reports from Kiervy Revesencio