Connect with us

Aklan News

ILANG ELECTION PARAPHERNALIAS DUMATING NA SA AKLAN

Published

on

Dumating na sa lalawigan ng Aklan ang ilang mga election paraphernalias na kakailanganin para sa darating na 2022 national and local elections sa Mayo a-9.

Ito ang kinumpirma ni Commission on Election (COMELEC) Aklan Spokesperson Crispin Raymund Gerardo sa panayam ng Radyo Todo, labing-siyam na araw bago ang halalan.

Aniya, ang naturang mga election paraphernalias ay nakatakdang i-distribute sa mga susunod na araw sa 17 municipalities sa Aklan.

Ipinasiguro din ni Gerardo na ito ay nasa secured na lugar kung saan mayroong nagbabantay.

“Una eon no ag ginapasalig naton nga nag-amat-amat eon it aeabutan do mga election paraphernalias nga kinahang-eanon naton para sa paaeabuton nga election.”

“Gina-assure naton nga imaw ra hay nakabutang sa sangka lugar nga secured imaw. Ginabantayan naton imaw ag ready for distribution imaw sa mga paaeabuton nga inadlaw sa aton nga 17 ka mga kabanwahanan,” ani Comelec-Aklan spox.

Ngunit nilinaw ng tagapagsalita ng COMELEC-Aklan na hindi pa kasama sa mga dumating ang official ballot na gagamitin para sa nalalapit na halalan.

“So, except for the official ballot, ro aton nga mga gamit ag equipment nga paga-gamiton hay iya eon sa probinsiya it Aklan ag secured imaw ra.”

Tiniyak naman ng poll body ang seguridad ng nasabing mga kagamitan kung saan kasama nila ang pulisya at militar sa pagbabantay dito.

Pagsisiguro ni Gerardo na ginagawa ng komisyon ang lahat ng kanilang makakaya upang mailagay sa maayos at tama ang gaganaping election sa Mayo a-9.

“Basta gina-assure naton ro aton nga mga pumueoyo…atong pumueoyong Akeanon nga we are doing everything para mabutang sa eksakto ro aton nga election sa paaeabuton nga Mayo 9.”