Aklan News
Ilang foreign airline company, babalik na sa kanilang pre-pandemic ops sa Kalibo International Airport


BABALIK na sa kanilang pre-pandemic operations ang mga foreign airline company sa Kalibo International Airport matapos matigil dahil sa pagtama ng COVD-19.
Ito ay kasunod ng inaugural flight ng AirSeoul nitong June 17 ng gabi sa Kalibo International Airport.
Ayon pa kay CAAP-Aklan Manager Engr. Eusebio Monserate Jr., unti-unti nang bumabangon ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng mga turistang lalapag at tutungo sa isla ng Boracay.
“This is a very welcome development na masasabi natin na bumabangon na po ‘yong ating aviation industry and part na rin po na babangon ‘yong economy natin by the arrival of our tourist dito sa ating probinsiya na pupunta ng Boracay,” ani Monserate.
Saad pa ni Monserate, maliban sa AirSeoul, inaasahang lalapag din sa KIA ang T’way Air sa Miyerkules.
Simula naman sa buwan ng Hulyo, tatlo pa aniyang foreign airline company ang nagpahayag na muling babalik sa dati nilang operasyon sa paliparan ng Kalibo bago pa man tumama ang COVID-19 pandemic.