Connect with us

Aklan News

Ilang LSIs na naka-quarantine, tumatakas sa mga quarantine facility

Published

on

TUMATAKAS umano ang ilan sa mga LSIs sa mga quarantine facility ayon kay Provincial Administrator Atty. Selwyn Ibarreta.

Sa panayam kay Ibarreta sa programang Todo Latigo, sinabi niya na maliban sa medical certificate, travel authority at letter of acceptance mula sa LGUs, pinag-iisipan din nila na gumawa ng isang commitment na papipirmahan sa LSIs na papayag silang sumailalim sa 14-day quarantine.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 3573 o Law on Reporting Communicable Diseases o iba pang mga ordinansa ang sinumang tumakas o lumabag sa protocol.

Ito ay dahil may nakarating di umano na impormasyon sa Provincial Task Force for COVID-19 na may ilang insidente na nawawala ang mga naka-quarantine sa mga PHO/MHO accredited facilities. Ilan pa aniya sa mga nawawala ay bumabalik din.

Kaya naman nais nilang siguruhin na susunod ang mga LSIs na uuwi sa quarantine sa pamamagitan ng nasabing commitment.

Gayunpaman, hindi na hahanapan ng RT-PCR test results ang mga LSIs na nais umuwi ng Aklan basta’t wala lang silang sintomas ng sakit pagkatapos ng 14 na araw.