Aklan News
ILANG LUGAR SA KALIBO, ISASAILALIM SA GECQ AT SECQ SA LOOB NG 14 ARAW
Nagpalabas ng EXECUTIVE ORDER si Mayor Emerson Lachica na nagpapatupad ng 14-day GRANULAR ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE GECQ) at SURGICAL ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE (SECQ) sa mga itinuturing na CRITICAL ZONES sa Kalibo.
Simula Setyembre 20 (alas otso ng gabi) hanggang sa Oktubre 5 (alas-kwarto ng umaga), isasailalim sa GECQ ang mga PUROK 1, 2, 3, 4, 5 at 6 ng C.LASERNA STREET – INTERIOR. Samantala, isasailalim naman sa SECQ ang MABINI AREA at STO. NIÑO VILLAGE sa parehong mga araw.
Sa loob ng 14 na araw, ang mga residente ng nabanggit na mga lugar ay ipapailalim sa strict home quarantine protocols. Tanging ang mga Authorized Persons Outside Residence lamang ang pahihintulutan na makalabas at makapasok sa mga lugar na nasa GECQ at SECQ.
Sisiguruhin umano ng lokal na pamahalaan ng Kalibo at ng mga barangay council na nakapaloob sa critical areas na maibibigay ang mga pagkain at gamot na kakailanganin ng kanilang mga nasasakupan.
Ayon pa sa EO, inaatasan ang mga opisyales ng barangay na kumuha ng listahan ng mga kailangang gamot ng mga residente at ipasa ang listaha sa Municipal Health Office ng Kalibo.
Sa ilalim ng granular lockdown, hindi pahihintulutan ang paglabas at pagpasok ng mga tao sa piling compound, kalsada, or mga sitio habang sa surgical lockdown naman, mga specific contained area lamang ang isasailalim sa lockdown tulad na lamang ng isang palapag ng gusali, isang compound, o isang bahay.