Connect with us

Aklan News

ILANG MGA KANDIDATO NG TIBYOG AKLAN, NAGHAIN NA NG CERTIFICATE OF CANDIDACY

Published

on

Photo| Diadem Kee Paderes/Radyo Todo Aklan 88.5 fm

Tuloy-tuloy ngayong Miyerkoles , Oktubre 6 ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng mga nagnanais tumakbo sa May 2022 elections.

Kabilang sa mga naghain ng kandidatura ngayong alas-9:00 ng umaga sina Ibajay Mayor Joen Miraflores na tatakbong gobernador, incumbent Congressman Carlito Marquez at incumbent Vice Governor Atty. Reynaldo Quimpo.

Kasama rin sa mga naghain ng kandidatura sa pagka-board member sa Eastern Side ng Aklan sina Nemesio Neron, Mark Ace Bautista, Mark Vega Quimpo, Teddy Tupas at Apol Cleope.

Samantala, sa Western side naman, muling susubok sa pagka board member si Jay Tejada, Jojo Cordova, Larry Solidum,
Jupiter Gallinero at Lolong Dalisay.

Naroon din si second district representative Teodorico Haresco at kahit na bukas pa ito maghahain ng COC habang ang Kalibo Tibyog naman sa pangunguna ni Juris Sucro ay nakatakdang magfile sa pinakahuling araw ng filing of COC sa Oktubre 8.