Connect with us

Aklan News

ILANG PAKETE NG LONGGANISA, KINUMPISKA SA CULASI PORT KASUNOD NG PANGAMBA SA ASF

Published

on

Nasa anim na pakete ng longganisa ang kinumpiska ng Bureau of Animal Industry – Capiz sa Culasi Port kasunod ng pangamba sa African Swine Flu (ASF).

Ang nasa pitong kilo ng longganisa ay naharang ng mga otoridad araw ng Miyerkules mula sa isang pasahero ng MV St. Augustine of Hippo sang 2Go.

Ayon sa mga otoridad, wala umanong maipakitang permit ang nasabing pasahero bagay na kinumpiska ang mga dala niyang longganisa.

Nabatid na galing Manila ang nasabing pasahero at sumakay ng barko mula Batangas Port  patungong Culasi Port dito sa lungsod ng Roxas.

Photos credit: Erdie S. Cocoy (Terminal Manager, PPA, TMO-Capiz)

Minabuti ng mga otoridad na ilibing ang mga nasabing produkto para masiguro na hindi makapasok sa probinsiya ang pinangangambahang sakit.