Aklan News
ILANG RESIDENTE, NANGANGAMBA SA UNTI-UNTING PAGGUHO NG LUPA SA TABI NG AKLAN RIVER


Naalarma ang mga residente ng ilang barangay sa Banga dahil sa unti-unting pagguho ng lupa sa Aklan river.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Jumarap Brgy. Capt. Teodorico Teodosio, sinabi nito na patuloy ang pagguho ng lupa sa tabing ilog na sakop ng hangganan ng Brgy. Jumarap at Palale.
Idinulog niya umano ito sa tanggapan ni Governor Florencio Miraflores at Department of Public Works and Highways (DPWH) Aklan para magawan ng paraan na maagapan ang lumalapad na pagguho ng lupa.
Siniguro naman ni Aklan District Engineer Alejandro Ventilacion na magsasagawa sila ng inspeksyon sa lugar bukas para matingnan kung maaari ba itong isama sa mga prayoridad na proyekto ngayong taon.
Aniya, lahat ng proyekto na gagawin ngayong taon ay nakabase sa pondo na ilalaan sa ahensya.
Kakailanganin umano ng pondo ang paglalagay ng temporary barrier o permanenteng istruktura na makakaya ang lakas ng tubig na dumadaloy sa ilog.