Aklan News
Ilang sari-sari store sa pabahay Briones, ninakawan


NINAKAWAN ng hindi pa tukoy na mga indibidwal ang dalawang sari-sari store sa bahagi ng Pabahay Briones, Kalibo nitong umaga ng Martes, Hunyo 10.
Ayon kay Del Rosario Modesto, bandang alas-5:00 lang nitong umaga niya napansing bukas na ang kanyang tindahan.
Dito na niya natuklasang ilan sa kaniyang mga paninda ay nawawala na.
Kabilang sa mga ninakaw ay ilang kaha ng sigarilyo, mga inumin, mamahaling mga de-lata, at ilan pang mga groceries.
Sa kabuuan, may higit sa ₱6,000 ang halaga ng mga ninakaw.
Samantala, ninakawan rin higit sa ₱1,400 na pera ang katapat nitong sari-sari store.
May nakita namang bolt cutter sa lugar na pinaniniwalaang ginamit ng mga suspek sa pagnanakaw.
Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng Kalibo PNP upang matukoy ang mga salarin.| Ulat ni Arvin Rompe