Aklan News
Imahen ng Poong Nazareno, bumisita sa Aklan
Mainit na sinalubong ng mga deboto ang pagdating ng imahen ng Mahal na Poong Nazareno sa lalawigan ng Aklan nitong Abril a-20.
Sinundo ang imahen ng Nazareno sa Quiapo, Manila at isinakay sa barko at dumating sa Caticlan, Malay kahapon ng umaga.
Nagkaroon naman ng motorcade mula Caticlan patungong barangay Rosario, Malinao.
Matiyagang nag-antay ang ilang mga deboto sa tabi ng kalsada sa pagdaan ng Poong Nazareno samantalang sumama naman ang iba pa sa motorcade.
Sa pagdating nito sa simbahan ng Rosario, Malinao, binigyan ng pagkakataon ang mga deboto na maranasan ang pagpasan sa imahen ng Nazareno hanggang sa pagpasok nito sa simbahan.
Sinundan naman ito ng banal na misa at ang tradisyunal na “pahalik” at pagpunas ng panyo sa imahen.
Mananatili ang imahen ni Nazareno sa Parish of Ous Lady of the Most Holy Rosary sa Malinao hanggang bukas, araw ng Sabado.
Samantala, nakatakda namang bumalik sa Quiapo, Manila ang imehen ng Poong Nazareno sa Abril a-25, araw ng Martes.