Aklan News
Implementasyon ng mga proyekto sa ilalim ng sucro admin, sisimulan bago matapos ang taong 2023
Ipinasiguro ng lokal na pamahalaan ng Kalibo na sisimulan na ang implementasyon ng mga proyekto sa ilalim na administrasyon ni Mayor Juris Sucro bago matapos ang taong kasalukuyan.
Ayon kay Mark Sy, tagapagsalita ng Office of the Mayor, sinisikap ngayon ng alkalde na masimulan na ang implementasyon ng mga proyekto para sa ipinangako nitong Bagong Kalibo.
Aniya, hindi nga lang ito magiging sabay-sabay ngunit lahat ng mga nakalinyang proyekto ay isasakatuparan ni Mayor Sucro.
Binigyan-diin ni Sy na ito ay dahil ang 20% development fund ng alkalde ay hindi maaaring i-full blast o mai-implement ng isang bagsakan dahil ang kanilang Internal Revenue Allotment (IRA) ay quarterly nire-release.
“Actually ro 20% development fund ni Mayor abi hay indi pa naton pwede nga i-full blast nga i-bidding or i-implement kasi ro aton nga IRA hay quarter per quarter gaabot,” ani Sy.
Saad pa nito,” Kaya imong makita nga ro gina-umpisahan makaron tag mga owa hapadayon nga kueang like road studs naton, ha-bidding eon. May mga cementing of roads si mayor sa ibang barangay nga gina-umpisahan makaron pero indi gid ma-full blast. Pero ro other funds halin sa guwa like ro aton nga revetment wall nga P50-million, sa April yata ro bidding. Ro housing naton nga project nga ana it DOTR, ro aton nga improvement it covered court nga P5-million, kat centralized aircon imaw, indi eang siguro makahingabot nga kat table ro anang taeapakan medyo kueabos pero naghambae si Mayor nga usuyan gihapon nana it pondo.”
“Idto abi sa 20% ro phase 1 it aton nga overpass sa Pilot patabok it Deped nga building dati, idto man kato ro P5-million para sa plaza nga improvement like fountain, children’s playground…idto man kasi nakahilera. Daywa ka mga detachment it police sa Pook ag sa may Nalook. Indi pwede nga tanan idugang tanan, kasi quarter by quarter,” dagdag pa ni Sy.