Connect with us

Aklan News

Implementasyon ng night tricycle franchise sa Kalibo, dagdag proteksyon sa mga pasahero

Published

on

INIHAYAG ni Kalibo Municipal Economic Enterprise & Development Office (MEEDO) Head Mary Gay Quimpo-Joel na kapag na-implement na ang night tricycle franchise, madaragdagan ang proteksyon ng mga pasahero lalo na tuwing gabi.

Aniya, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nais nilang magsimula na ang implementasyon nito sa bayan ng Kalibo.

May mga insidente kasi ng harassments na nangyayari tuwing gabi kung kaya’t mas makabubuti kung ang bawat traysikel na pumapasada at sinasakyan ng mga pasahero ay mayroong prangkisa upang mas medaling matunton at makilala kung sino ang drayber at operator nito.

“Actually do reason gid-a ngani dikara ham-an gina-implement ta naton ra hay for the protection of our passengers. Dahil kung amat abi hay may mga incidents abi nga natatabo nga may mga harassments sa gabie. Owa kat mahabol rayon. Indi naton ma-identify kung sin-o ro operator it duyon ngaron nga unit,” wika ni Joel.

Kung matatandaan, nagpadala ng sulat si TTMD head Vivien Briones kay Mayor Juris Sucro hinggil sa implementasyon ng Night Tricycle Franchise subalit inindorso naman ito ng alkalde sa Sangguniang Bayan ng Kalibo.

Nilinaw naman ni Joel na ipinabalik ito ng alkalde sa Sangguniang Bayan upang muling ma-review at upang matukoy kung may mga kailangan pang baguhin sa nasabing ordinansa bago tuluyang ipatupad.

Dagdag pa nito, hindi rin umano nakasaad sa ordinansa kung ilang traysikel ang bibigyan ng prangkisa.

“Ro sambilog sa mga concerns hay owa abi naka-stipulate sa ordinance kung pila ro taw-an it franchise ro itao. That is something nga ginapa-clarify ni Mayor Juris. Ag ginapa-review pa gid it uman kung basi may mga changes nga kinahang-ean pa gid nga bag-uhon before siguro magdecide si Mayor nga i-finalize before i-implement ro Night Franchise,” paliwanag niya.