Connect with us

Aklan News

In-house training ng mga atleta sa WVRAA Meet 2020, kasama sa maaantala dahil sa COVID-19

Published

on

File Photo| Mary Ann Solis/Radyo Todo Aklan

Kalibo, Aklan – Sa ikalawang pagkakataon ay muling maaantala ang 2020 Western Visayas Regional Athletic Association Meet sa Aklan kasunod ng anunsyo ng Department of Health ukol sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Rebecca Ibarreta ang Sports Coordinator ng DepEd WVRAA, naglabas ng abiso si DepEd Secretary Leonor Briones nitong Marso 8 na dapat kanselahin ang lahat ng mga nakalatag na national at regional events ng mga estudyante.

Naglabas na rin ng Division Memorandum 77-2020 si Aklan Schools Division Superintendent Miguel Mac Aposin na nag-uutos ng kanselasyon ng in-house training o ensayo ng mga atleta bilang paghahanda sa WVRAA Meet.

Una nang itinakda noong Pebrero 15-22 ang WVRAA meet kung saan host ang Aklan ngunit naurong sa Marso 21-28 dahil sa parehong dahilan.

Sa ngayon ay hindi pa masabi ng DepEd kung kailan matutuloy ang WVRAA.