Connect with us

Aklan News

INA NG NAGPAKAMATAY NA GRADE 10 STUDENT, NANAWAGAN NG TULONG

Published

on

Nanawagan ng tulong ang ina ng nagpakamatay na Grade 10 student para sa maaga nitong pagpapalibing matapos magbigti kagabi sa Muguing, Banga dahil hindi umano ito nabilhan ng cellphone na gagamitin para sa online class.

Ayon sa ina ng 18 anyos na estudyante, hindi nila kayang ipalibing ang nagpatiwakal na anak dahil wala naman silang trabaho at wala ring iba pang malapitan.

Dagdag pa ng ina, responsable at desidido umanong makapagtapos ng pag-aaral ang kanyang anak, lalo pa’t nais umano siya nitong patigilin na sa paglalabada.

Ikinagulat na lamang umano ng kanyang ina ang ginawa ng kanyang anak nang ito ay magbigti sa bahay ng kanyang ate gamit ang kurtina.

Sa eklusibong panayam ng Radyo Todo sa ginang, ikinuwento nito na lasing ang kanyang anak nang dumating sa kanilang bahay kagabi at sinabihan ang ina na titigil na lang siya sa pag-aaral.

Sinabihan naman niya umano ito na muling hahanapan ng mahihiramang pera, subali’t pinilas umano niti ang kaniyan litrato sa module bago lumabas.

Inakala naman ng kanyang ina na doon lamang ito pumunta sa isang lamay, kung kaya’t umuwi muna ito at nag-abang kung babalik ang anak.

Bandang alas 7:30 naman ng makarinig umano ito na tila may bumagsak sa sahig, dahilan upang mapanatag ang ina sa pag-aakalang naroon ang anak at natutulog gaya umano ng nakagawian nito kapag nalalasing.

Subalit nagulat na lamang ang ina sa kanyang pagbalik doon nang makita pagbukas ng pinto ang nakabigting anak at wala nang buhay.

Samantala, sinabi pa ng ina na pumunta sila sa isang mall nitong nakaraang November 4 para mag-apply sa “online loan” ng cellphone, subalit hindi umano sila nakapasa sa mga hinihinging requirements.

Aminado rin ang ina na nagkakahalagang P6,000.00 ang cellphone na nais ipabili ng anak sa kanya, subalit hindi nila ito kaya dahil sa kanilang kahirapan sa buhay.