Aklan News
Indoor dine-in sa lahat ng kainan sa Aklan, ipinagbabawal pa rin


Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang indoor dine-in sa lahat ng kainan sa probinsya ng Aklan.
Habang papayagan naman ang ‘Al Fresco’ o outdoor dining sa mga restaurant, cafe at sa iba pang establisyemento pero dapat ipapatupad pa rin ang minimum health standard protocols.
Hinikayat din ang mga residente na magpa-deliver o mag take-out na lamang.
Ito ay alinsunod sa mas pinalawig na implementasyon ng EO NO. 005-D ng Aklan Government.
Layunin ng naturang hakbang na maibsan ang patuloy na pagtaas ng COVID-19 sa probinsiya.
Sumampa na sa 5,036 ang kumpirmadong kaso sa Aklan, nasa 829 dito ang aktibong kaso ng COVID-19 batay sa tala ng Aklan Provincial Epidemiology and Surveillance Unit nitong Huwebes, Hulyo 8.
Continue Reading