Aklan News
Inrereklamong butas-butas na kalsada, inaaksyunan na ng DPWH-Aklan
Ina-aksyunan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Aklan ang inirereklamong butas-butas na kalsada ng mga motorista.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Engr. Joey Ureta, Chief Maintenance ng DPWH Aklan sinabi nito na nagpapatuloy sa ngayon ang kanilang pag-repair sa mga nasirang kalsada sa Aklan na nasira dahil sa pagbaha dulot ng pananalasa ng bagyong Paeng.
Aniya pa, inuuna nila sa ngayon ang mga bahagi ng kalsada na lubos na naapektuhan.
Saad pa ni Ureta, kulang ang budget ng DPWH-Aklan ngunit sinisikap pa rin nilang maayos ito.
Dagdag pa nito, nagkakaroon din kung minsan ng mga delay dahil sa masamang panahon.
Gayunpaman, mahigpit ang paalala ni Engr Ureta sa mga motorista na mag-ingat at maging responsableng drayber pagdating sa kalsada.
Pagpapasiguro nito na sinisikap nilang maayos ito sa lalong madaling panahon.