Connect with us

Aklan News

Insidente ng umano’y nakawan sa isang hotel sa Boracay Island, ini-imbestigahan na ng Malay PNP

Published

on

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang Malay Municipal Police Station sa umano’y nangyaring nakawan sa isang hotel sa isla ng Boracay.

Sa ekslusibong panayam ng Radyo Todo kay PLTCOL Don Dicksie De Dios hepe ng Malay PNP, sinabi nito na tinuturing nilang personal ang nangyari.

Aniya, hindi sila tumitigil hanggang sa may mahanap silang ebidensiya na makakatulong sa kanilang imbestigasyon.

“Lahat ng anggulo tinitingnan namin, lahat naman ng person of interest namin ngayon is considered suspect,” saad pa ni De Dios.

“Actually hindi lang isang imbestigador ang nag-iimbestiga ngayon d’yan – dalawa na. Pati yung mga senior investigation natin dito naka-tap na ngayon at pinafollow-up na ang kasong ‘yan,” dagdag pa ng hepe ng Malay.

Paglalahad pa ni De Dios, Setyembre a-2 ng madaling araw, nagtungo sa himpilin ng Malay PNP si Liezel Ramos upang ipagbigay-alam ang umano’y pagnanakaw sa loob ng kanilang silid sa tinutuluyang hotel.

Tinatayang aabot sa P50K ang halaga ng pera at alahas na natangay sa tiyahin ni Ramos.

Sa ngayon ay humihingi ng kooperasyon at pag-unawa ang Malay PNP para sa mas mabilis na pagkakalutas na nasabing insidente.

Ipinasiguro naman ni Dios na gagawin nila ang lahat upang matukoy kung sino ang salarin sa umano’y insidente ng pagnanakaw sa nasabing hotel.

Napag-alaman naman ng Radyo Todo na may CCTV ang naturang hotel ngunit hindi ito gumagana.