Connect with us

Aklan News

Inuman ng magpinsan nauwi sa away, 2 nasaksak, isa naka-ICU

Published

on

Kritikal ang isang lalaki habang sugatan naman ang isa pa matapos mauwi sa pananaksak ang inuman nilang magpipinsan kagabi sa Brgy. Tabayon, Banga.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, magkasamang nag-iinuman ang mga biktimang sina Jay-ar Conception, 35 anyos at Valentino Dionisio, 54 anyos pati ang suspek na si Rafael Dionisio.

Nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng mga ito hanggang sa kumuha ng kutsilyo si Rafael at sinaksak si Conception sa tiyan.

Aawat sana si Valentino pero sinaksak din siya ng suspek na tumama sa kamay.

Kasalukuyang ginagamot sa ICU ng Aklan Provincial Hospital si Conception habang agad namang nakalabas ng ospital si Valentino matapos malapatan ng lunas ang kanyang tinamong sugat.

Kusa namang sumuko ang suspek sa Banga PNP matapos ang insidente.