Connect with us

Aklan News

INVENTORY AT PROFILING SA MGA ISTRUKTURA SA MGA DANGER ZONE SA KALIBO, SINIMULAN NA

Published

on

Nagpapatuloy sa ngayon ang isinasagawang inventory at profiling sa mga istrukturang nakatayo sa tinatawag na ‘danger zone’ sa bayan ng Kalibo.

Sa panayam ng Radyo Todo, sinabi ni Engr. Marlo Villlanueva, Municipal Planning and Development Coordinator at Zoning Officer ng Kalibo na ito ay bahagi ng kanilang Integrated Coastal Management Plan noong nakalipas na taon.

Aniya ang nasabing plano ay kinatigan ng Sangguniang Bayan ng Kalibo at ni Mayor Emerson Lachica.

“…daya nga ginhikot nga aktibidades hay nakasambid sa aton nga Integrated Coastal Management Plan nga ginhimu ku last year nga gin aprubahan it Sangguniang Bayan sa pagpamuno man it atong Mayor”, pahayag ni Villanueva.

Sa ilalim ng Integrated Management Plan, kailangan nilang matukoy at magkaroon ng imbentaryo sa mga istraktura na malapit sa coastal area, ilog at mga sapa na itinuturing na ‘danger zone’.

“…dahil idto sa idaeom Integrated Coastal Management Plan hay nag-identify kita idto nga dapat hay may aton nga imbentaryo sa mga kasubaan nga maeapit sa danger zone nga lugar ag pati man ro atong imbentaryo iya sa may coastal”, dagdag nito.

Saklaw ng nasabing aktibidades ang Barangay Poblacion, Pook, Andagao, Old Buswang at New Buswang.

Dagdag pa ni Villanueva, kasama nila sa naturang pag-imbentaryo ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Aklan.

Kaugnay nito, huwag umanong magtataka ang publiko kung may nagsasagawa ng survey dahil ito ay bahagi ng plano na matukoy kung sino-sino ang mga nakatira sa mga delikadong lugar sa Kalibo upang maisama sa mga programa ng nasyunal at lokal na pamahalaan sa hinaharap.