Aklan News
Isa sa dalawang suspek sa pagpatay sa traysikel driver na si Wilfredo Tamayo Jr., arestado na
Arestado at nasa kustodiya na ngayon ng Numancia PNP ang isa sa dalawang suspek sa pagpatay kay Wilfredo Tamayo Jr., ang traysikel driver na pinatay sa Camanci, Norte, Numancia noong November 27, 2021.
Base sa report ng Numancia PNP, naaresto nila kaninang alas-3:20 ng hapon sa Tabangka, Numancia ang suspek na si Jomar Palacios alyas ‘Joker,’ 24-anyos, ng Bulwang, Numancia sa kasong murder (Criminal Case No.16247) na nilagdaan at ibinaba ni Hon.Jemena L.Abellar Arbis, Presiding Judge, RTC 6th Judicial Region, Capitol Site, Kalibo, Aklan, nito lamang June 7, 2022.
Kaugnay sa kaso nito, walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Magugunitang si Jomar Palacios at ang kasama nitong si Rogie Franco, tubong Dueñas, Iloilo ang itinuturong mga suspek sa pagpatay sa biktimang si Tamayo. Nasampahan na rin noon ng kaso subalit naabswelto na si JR Montallana na sinasabing kasama rim ng nga suspek.
Samantala, sa eksklusibong panayam ng Radyo Todo kay Palacios, aminado ito na kasama siya noon nina Montallana at Franco, subalit iginiit niyang si Franco ang sumaksak-patay kay Tamayo.