Connect with us

Aklan News

ISA SA DALAWANG VACCINATION SITE SA KALIBO, NAKATENGGA DAHIL SA DI SAPAT NA SUPLAY NG BAKUNA

Published

on

Photo| Mayor Emerson Lachica/ FB Page

Nakatengga ngayon ang isang COVID-19 vaccination center sa Kalibo dahil sa kakulangan sa alokasyon ng bakuna.

Ayon kay Kalibo Mayor Emerson Lachica, kayang makapagbakuna ng hanggang 1000 katao sa isang araw ang dalawang vaccination site na kanilang inihanda para sa vaccination roll-out.

Pero hindi na nagagamit ngayon ang isa rito dahil hindi sapat ang alokasyon ng bakuna na ibinibigay sa Kalibo na kung tutuusin ay may mataas na populasyon kung ikkumpara sa ibang bayan sa Aklan.

Dagdag pa ni Lachica, nagsasagawa rin kasi ng vaccination roll-out ang Provincial Health Office (PHO) sa ABL Sports Complex na sakop din ng Kalibo.

Para sa alkalde mas mabuti umano na ibigay nalang ng PHO sa bawat LGU ang mga bakuna imbes na magsagawa pa sila ng hiwalay na vaccination roll-out para mas mapabilis ang vaccination roll-out at hindi na kulangin ng medical staff ang Aklan Provincial Hospital.

Nagpadala na rin umano siya ng sulat sa National Inter-Agency task Force para sa dagdag na alokasyon ng bakuna sa Kalibo.