Connect with us

Aklan News

Isa sa mga babaeng hindi nagbayad sa isang cafe sa Kalibo, nahuli ng mga otoridad; suspek, may apat na warrant of arrest

Published

on

NAARESTO ng mga otoridad ang isa sa mga babaeng hindi nagbayad sa isang cafe sa bayan ng Kalibo dahil sa kasong kinakaharap nito sa Taguig.

Kinilala ang suspek na si Razel Mae Mendoza at residente ng Kalibo, Aklan.

Inaresto si Mendoza sa may C. Laserna St. pasado alas-5:00 ng hapon nitong Huwebes ng CIDG Aklan at Aklan Trackers Team dahil sa kasong Falsification of Commercial Document.

Ayon pa sa CIDG Aklan, may 3 pang pending na warrant of arrest si Mendoza sa mga kasong Theft at Estafa sa Lungsod ng Taguig.

Mayroon din umanong utang si Mendoza sa kaniyang tinutuluyang apartment na nagkakahalaga ng P132K at nasa P7K naman sa kaniyang nirerentahang sasakyan.

Matatandaang inireklamo si Mendoza kasama ang kaniyang girlfriend matapos na hindi magbayad sa isang cafe sa bayan ng Kalibo.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Kalibo PNP si Mendoza at nahaharap sa patong-patong na kaso.

Continue Reading