Connect with us

Aklan News

Isa sa mga drayber ng motorsiklong nagbanggaan sa Numancia, binawian na ng buhay

Published

on

Binawian na ng buhay habang ginagamot sa ospital kgabi ang isa sa mga drayber ng motorsiklong nagbanggaan, hapon nitong Huwebes sa kahabaan ng Brgy. Poblacion, Numancia, Aklan.

Kinilala ang namatay na si Edmar Isturis, 24-anyos at residente ng Brgy. Baybay,Tangalan.

Matatandaang mula si Isturis sa bayan ng Makato at papunta sa direksyon ng Kalibo, ngunit pagdating sa nasabing lugar ay bigla nalang umano nitong nakabanggaan ang motorsiklong minamaneho ni Jonel Piano, 19-anyos na residente naman ng Brgy. Tina, Makato, Aklan.

Dahil sa nangyaring aksidente, natumba ang parehong motorsiklo dahilan ng tinamong sugat ni Isturis sa kanyang ulo, bali sa paa at iba pang mga sugat na nagdahilan ng kaniyang pagkasawi.

Samantala, nananatiling naka-confine sa ospital si Piano at patuloy pang ginagamot sa ngayon.

Sa kabilang banda, hinihintay pa ng Numancia PNP ang magiging desisyon ng mga kaanak ni Isturis para sa disposisyon ng kasama sa aksidente.