Connect with us

Aklan News

ISA SUGATAN SA KARAMBOLA NG BISEKLETA, MOTORSIKLO, AT BUS

Published

on

Isa ang sugatan sa karambola ng bisekleta, motorsiklo at bus pasado alas 7:00 kagabi sa highway ng Poblacion, Makato.

Ayon sa Makato PNP, nangyari ang insidente matapos umanong masiraan ang bisikletang minamaneho ng hindi na pinangalanang dalagita, 17 anyos ng Aliputos, Numancia.

Base pa sa report, nagpasaklolo umano ito sa mga kasama, kung saan pinahila nila sa isang motorsiklo ang bisikleta.

Subali’t nabitiwan umano ito ng dalagita na nakaangkas noon sa motorsiklo, at nabangga ng sumusunod na motorsiklo na minamaneho naman ng isang babae.

Resulta, sumemplang sa kalsada ang babaeng rider ng motorsiklo, rason ng tinamo nitong gasgas sa katawan.

Maliban dito, sinasabing nabangga pa ng nakasunod na bus ang sumemplang na motorsiklo, rason ng pinsala nito.

Sinabi pa ng Makato PNP na hindi na nagpa blotter pa ang nga sangkot sa aksidente na nauwi na lamang sa areglo.