Aklan News
ISANG BPAT PATAY, ISA PANG MALUBHANG NASUGATAN SA PANANAKSAK, PAMBUBUGBOG AT PAMAMARIL.
PONTEVEDRA, Capiz – Patay ang isang Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) at malubha ring nasugatan ang kasamahan nito matapos bugbugin, saksakin at barilin ng mga salarin sa Brgy. Intongcan, dito, bandang 9:20 kagabi.
Namatay si Melchor De Juan, residente ng Brgy. Intongcan, Pontevedra, Capiz, at isang barangay tanod sa Bailan District Hospital, Brgy. Bailan, Pontevedra matapos dalhin ng mga kasamahan habang nasa tiyan pa nito ang ginamit na panaksak ng suspek.
Samantalang ang kasamahan nito na isa ring barangay tanod na si Alfredo Arancillo, residente rin ng nasabing lugar ay nasa malubha rin ang kalagayan sa ospital matapos magtamo ng maraming sugat sa katawan at putok ang dulot ng panghahampas ng isang tubo.
Ang mga suspek ay nakilala ring sina alyas Johnny Aguihap at alyas Bongbong Bance.
Ayon sa imbestigasyon ng mga kapulisan, habang papauwi na sina James De Juan at Roque Baculinao sa nasabing lugar galing sa bayan ng President Roxas, Capiz, sila’y tinambangan ng mga suspek ang nagkaroon ng mainit na sagutan.
Matapos ang mainit na sagutan, umuwi si Jaime De Juan sa kanilang bahay at ipinaalam sa kanyang kapatid na isang BPAT na si Melchor De Juan ang nangyari para mapanatili ang kapayapaan.
Habang nagreresponde ang mga BPAT, biglang sinaksak ng kutsilyo si Melchor De Juan at hinampas ito ng tubo sa ulo ng mga suspek.
Samantalang ang isa pang BPAT na nag-aabang sa tabi ng kalsada ng mga magrerespondeng kapulisan ay hinampas din ni alyas Budoy ng tubo sa kanyang ulo.
Dali-daling dinala sa Bailan District Hospital ang mga biktima subalit binawian ng kanyang si Melchor De Juan ayon kay Dr. Jose Abellavito.
Ang mga suspek ay kaagad tumakbo at nagtago sa hindi malamang lugar. Sa ngayon patuloy pa ang isinasagawang hot pursuit operation sa mga suspek.