Connect with us

Aklan News

ISINAILALIM NA ANG KALIBO SA STATE OF CALAMITY

Published

on

Bandang alas 3 ng hapon kahapon ng magsagawa ng special session ang Kalibo Sangguniang Bayan at ipinasa ang resolution na nagdedeklara ng state of calamity.

Ito ay base sa isinumiteng report ng MDRRMO Kalibo kung saan umaabot sa halos 19 Million pesos ang kanilang initial estimated damage mula sa agrikultura, imprastraktuta at mga pribadong propyedad.

Kasama na rito ang kawalan ng supply ng kuryente and telecommunications.

Maraming nasirang bahay kung saan 60 families ang ang dinala sa Regional Evacuation center sa Tigayon.

Ito ay ang mga pamilyang hindi na maaccomodate ng mga Baranggay Evacuation Centers mula sa Poblacion at tigayon.

20 pamilya din ang nasa ABL Sports complex na nagmula sa Laserna.

Hindi pa kasama dito ang mga nag evacuate sa Brgy level.

Napag alaman na may available na lang na 2.5 Million pesos sa Calamity Fund ng Kalibo dahil nabawasan na ito ng mga naunang kalamidad na dumaan nitong taon kagaya ng Dengue at sunog sa public market.

Gagamitin ang nasabing pundo sa mga relief assistance.

Sa ngayon ay patuloy pang iniipon ng MDRRMO ang mga damage reports mula sa kabaranggayan.

Wala namang naiulat na malubhang nasugatan o namatay dahil sa bagyo sa Kalibo.