Aklan News
ISYUNG MAPUTIK AT PINAPABAYAANG KALSADA DAHIL SA QUARRY OPS SA BRGY. MOBO, PINABULAANAN NI KAPITAN WENDELL TAYCO
PINABULAANAN ni Punong barangay Wendell Tayco ang isyung pinapabayaan niya ang maputik na kalsada sa bgry. Mobo, Kalibo.
Sa panayam ng Radyo Todo aminado si kapitan Tayco na maputik ang kanilang kalsada dahil sa mga truck na dumadaan na nagsasagawa ng quarry operations sa kanilang barangay.
Aniya, ang buhangin ay nagmumula sa ilog dahilan ng pagiging maputik ng kanilang kalsada sa tuwing dadaan ang mga truck ng quarry operators.
Kaya naman apela ni Tayco sa kanyang mga mamamayan na unawain ang nasabing bagay dahil ang mga quarry operations lamang ang tanging pinagkukunan nila ng pondo para sa kanilang barangay.
“Actually, tama mat-a ron, maeasa, may quarry abi. Indi man abi naton ron ma-ibitar nga indi magbasa, ro baeas hay nagahalin sa suba ag nagatueo. So anyway, ruyon ngaron nga mga butang hay naga-apela man kita sa aton nga mga pumueoyo, since nga owa man abi it ibang source do brgy. Mobo kundi ruyon gid lang nga quarry,” pahayag ni Tayco
Sa katunayan aniya, malaking bagay ito dahil sa ngayon, ang nakuha nilang shares mula sa mga isinasagawang quarry sa kanilang barangay ay inilaan niya para sa CCTV kung saan nakatakda na itong i-implement ngayong buwan.
“Mabahoe man ngane ron nga bagay, actually hay amon ngane nga shares makaron hay gin-appropriate ko eon sa CCTV ag ready eon for implementation makaron nga buean”, saad pa ng punong barangay.
Pahayag pa ni punong barangay Tayco na hindi naman buong kalsada sa kanilang barangay ay ganito ang sitwasyon kundi mayroon lamang umanong bahagi nito.
Pagdidiin pa nito na hindi niya pinapabayaan ang nasabing usapin dahil palagi naman niyang ipinapaalala sa mga quarry permittee na kung sakaling masira ang bahagi ng kanilang kalsada ay agad itong ayusin upang hindi maabala ang mga commuters gayundin ang mga taong dumadaan dito.
Dahil dito ay humihingi siya ng paumanhin at paunawa sa kaniyang mga ka-barangay.
“So naga-apela gid kami ron ag nagapangayo it pasaylo sa aton nga mga pumueoyo. Bukon man don tanan nga barangay road it Brgy. Mobo hay maeasa, may portion malang nga maeasa, but aton man ngane ron nga gina-remind sa aton nga mga quarry permittee nga kung masamad ro daean hay andang kaadyon, agod nga indi man ma-hamper ro aton nga mga commuters ag aton nga mga naga-agi nga tawo,” ani Tayco.
Samantala, sa ngayon ayon kay kapitan Tayco, wala pa siyang natatanggap na petisyon ukol sa nasabing isyu at nagulat lamang umano siya ng marinig sa radyo at mabasa niya sa social media ang tungkol dito.
Ipinahayag din nito na sa kasalukuyan ay mayroong tatlong lehitimong quarry operators sa barangay Mobo, Kalibo.