Connect with us

Aklan News

“Ito naman ako ulit, sumusuong sa walang kasiguraduhan” – SB Phillip Yerro Kimpo

Published

on

TATAKBO bilang bise-alkalde ng bayan ng Kalibo si Sangguniang Bayan member Phillip Yerro Kimpo.

Bago nagtapos kahapon ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga aspirant candidates sa 2025 Midterm Elections, humabol sa comelec office ng Kalibo si Kimpo at naghain ng kanyang kandidatura bilang independent candidate.

Aniya, ito ang unang pagkakataon na tatakbo siya na walang kasamang partido.

“First time ko after three elections, first time ko nga mag-martsa na walang kasamang politiko.”

“Wala po akong kasama, kundi ang aking pamilya, ang ating Diyos at ang ating taumbayan,” dagdag pa nito.

Pahayag pa ng konsehal, “Ito naman ako ulit, sumusuong sa walang kasiguraduhan. Hambae nanda hay dihadong-dihado ako, independente ako eh. Wala akong makinarya, wala akong empleyado, wala akong kuwarta, wala akong resources. Pero ro una sa akong tagipusuon, ro sinsero nga pagpanerbisyo sa tawo.”

Kahit sumusuong aniya siya sa walang kasiguraduhan, sigurado naman siya na gusto niyang isumite ulit sa taumbayan ang kanyang job application kung nais ng mga ito na ipagpatuloy niya ang pagbibigay ng “best posible public service” bilang Vice-Mayor.

Giit pa ni Kimpo na mayroon na siyang resibo at alam na ng taumbayan kung ano ang mga nagawa niya sa loob ng siyam na taong panunungkulan bilang konsehal ng Kalibo.

“Hindi ko kailangang magpromisa. Kailangan ko lang sabihin na ito po ang ginawa ko noon, kung gusto niyo po na ipagpatuloy ang mga nagawa ko at gagawin pa, narito po ako handa pong maglingkod sa inyo,” panindigan nito.

“Kalibonhon kita nga may pagtuo sa Ginuo ag sa pumueuyo. Namati ako sa inyong singgit. Gusto niyo na tumakbo ako, narito po ako ngayon. Huwag po tayong magpapadala sa ibang tao. Wala pong sapilitan na pagboto. Nasa kamay po ninyo ang kapalaran ng inyong pamilya at ng hinaharap natin. Narito po ako, inaalay ang buong-buo at handa pong maglingkod sa inyo,” pagtatapos nito.