Connect with us

Aklan News

“IWAG IT KALIBONHON” PORMAL NG PINAILAWAN SA KALIBO PASTRANA PARK; MINIMUM HEALTH STANDARD, MAHIGPIT NA IPINATUPAD

Published

on

“IWAG IT KALIBONHON” PORMAL NG PINAILAWAN SA KALIBO PASTRANA PARK; MINIMUM HEALTH STANDARD, MAHIGPIT NA IPINAPATUPAD
Photo Courtesy| Mayor Emerson S. Lachica Official Facebook Account

Nagliwanag ang buong Kalibo Pastrana Park matapos na pormal ng pina-ilawan ng lokal na pamahalaan ang taunang “Iwag it Kalibonhon”, na sinabayan ng makulay na firweworks display nitong araw ng Martes, Nobyembre 30.

Ayon kay Kalibo Mayor Emerson Lachica, mas pina-aga at sinadya nilang hindi ipagbigay-alam ang pagbubukas ng mga Christmas lightings sa Kalibo Pastrana Park upang maiwasan ang pagdagsa at pagkumpulan ng mga tao.

Ito’y dahil hindi lang umano ang mga Kalibonhon ang nais na makasaksi sa naturang christmas lightings opening kundi ang buong probinsiya ng Aklan.

Samantala, pagpapaliwanag ni Lachica na mamayang gabi isasagawa ang kanilang virtual opening.

Ipinahayag din nito na ang mga ginamit na pailaw at palamuti ay 50 porsiyentong recycled materials at nagdagdag lamang sila ng kaunting dekorasyon.

Saad pa nito na mas maganda ang christmas lightings ngayon kumpara noong nagdaang taon.

Kaugnay nito, sa pagbubukas ng “Iwag it Kalibonhon”, umaasa si Mayor Lachica na magdadala ito ng malaking pag-asa, tiwala at liwanag sa mga Kalibonhon sa gitna ng kadiliman dahil sa pandemya.

Nais rin ng lokal na pamahalaan na sa pamamagitan nito ay mabigyan ng kasiyahan ang mga kabataan at ang bawat pamilya na maibsan ang epekto ng pandemya sa aspetong sikolohikal.

Hiniling naman ni Mayor Lachica ang suporta ng Kalibo PNP at iba pang force multiplier upang masiguro ang na masusunod ang minimum health standard gaya ng social distancing at pagsusuot ng facemask at

Inaasahan naman na mas dadami pa ang pupunta sa Kalibo Pastrana Park simula ngayong gabi hanggang matapos ang kapaskuhan.