Aklan News
Jail Warden Janagap nilinaw kung bakit hinihigpitan ang ilang PDLs sa Aklan District Jail
NILINAW ni JSINSP Francis Janagap, Warden ng District Jail sa BJMP Aklan na may ilang mga PDLs ang kanilang hinihigpitan o restricted.
Aniya ito ay dahil may nilabag silang patakaran na ipinapatupad sa loob ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP Aklan.
Isa na rito ayon kay Janagap ang maltreatment ng isang PDL sa kapwa nito PDLs.
Maliban dito, naghihigpit rin umano sila sa mga bumibisita sa mga PDLs dahil mula sa 53 new drug related cases na nasa loob ngayon ng Aklan District Jail, 26 dito ay mga returnees.
Dahil dito, mas hinigpitan pa nila aniya ang kanilang mga panuntunan sa loob upang maiwasan na may makapasok na iligal na droga at mga deadly weapon sa loob ng district jail.
Binigyan diin ng Janagap na ang naturang hakbang para sa kaligtasan ng mga BJMP personnel gayundin ng mga PDLs na nakapiit sa loob ng BJMP Aklan.