Connect with us

Aklan News

Joeben Miraflores babalik muli sa politika para kalabanin si Haresco sa pagka-kongresista

Published

on

MULING babalik sa mundo ng politika si dating gobernador ng Aklan na si Joeben Miraflores.
Ito ay upang kalabanin ang kanyang pinsan na si Cong. Ted Haresco bilang kongresista sa ikalawang distrito ng Aklan.
Batay sa nakalap na impormasyon ng Radyo Todo mula sa isang reliable source, ang muling pagbabalik ni Miraflores sa politika ay isang mabigat na desisyon.
Sa katunayan, nag-retiro na siya sa nasabing larangan ngunit dahil sa udyok ng mga alkalde sa Aklan, tinanggap niya ang hamon.
Nalaman din umano kasi ng dating gobernador na tila kumikilos ngayon si Cong. Haresco upang unti-unting mabuwag ang partido ng Tibyog sa lalawigan.
Si former Gov. Miraflores ay isa sa haligi ng partidong Tibyog sa lalawigan ng Aklan.
Pero marami pa ang pwedeng mangyari bago magsimula ang filing of candidacy sa darating na Oktubre 1 hanggang 8, 2024.