Aklan News
Jonathan Cabrera pokus sa trabaho at negosyo, lie low muna sa pulitika
“Indi ko gusto nga ma-disappoint ro mga tawo kun indi nanda ako makita ag personal nga mapangayuan it bulig.”
Ito ang sagot ni Mr. Jonathan Cabrera sa kanyang mga taga-suporta na nagtatanong kung ano na ang kanyang plano para sa 2025 midterm elections.
Marami kasi ang tumutulak kay Cabrera na tumakbo muli bilang bise-gobernador o kahit Board Member sa lalawigan ng Aklan.
Ngunit sa kabila nito, nagdesisyon siya na huwag munang pumasok sa larangan ng politika ngayong 2025 elections.
Aniya, “Sa akon nga pagpangayo it guidance sa aton Ginoo ag madaeom nga pagpaminsar sa akon sitwasyon, nakaabot ako sa final decision nga indi ako magkandidato makaron sa bisan ano nga position”.
Dagdag pa ni Cabrera, “Gani, nagapangayo gid ako it pag-eubot ag pasensya sa akon nga mga supporters bangud sa akon ngara nga desisyon. Kapin eon gid sa 92,127 nga mga Aklanons nga nagsalig kakon ko nagtaliwan nga election 2022.”
Sa ngayon ay pokus muna si Cabrera sa kanyang trabaho at negosyo ngunit ipinapangako niyang patuloy pa rin siyang tutulong sa abot ng kanyang makakaya bilang isang pribadong indibidwal.