Aklan News
Kaalaman at talento ng mga Malaynon itatampok sa Toursim Month Celebration ng LGU Malay
ITATAMPOK ang kaalaman at talento ng mga Malaynon sa isasagawang tatlong kompetisyon ng Malay-Boracay Tourism Office bilang bahagi ng selebrasyon ng Tourism Month ngayong taon.
Layunin ng Tourism Office ng LGU-Malay na maging aktibo ang mga kabataan at makilahok sa mga programa ng pamahalaan gayundin na makilala sila sa pamamagitan ng kanilang angking galing at talento.
Ang tema tourism month celebration ngayong taon ay “Rethinking Tourism: Empowering Malaynon Youth.
Ilan sa mga isasagawang kompetisyon ang Quiz Bee (Inter-School Category), Tour Guiding Competition, at Fire Dancing Competition na gaganapin sa Paradise Garden Resort sa Setyember a-22 at sa Manocmanoc Covered Court naman sa Set1yembre a-23.
Continue Reading