Aklan News
Kahandaan ng APPO sa pagsawata ng riot, sinubok sa Reg’l CDM Challenge
Nagpakitang-gilas ang higit sa 150 na contingent ng Aklan Police Provincial Office (APPO), sa pamumuno ni PMaj Rogelio Tomagtang, sa ginanap na 2nd Regional Civil Disturbance Management (CDM) Competition sa PRO-6 Parade Grounds ng Camp Gen Martin Teofilo B. Delgado sa Iloilo City noong ika-27 ng Agosto, 2019.
Ang pagsasagawa ng CDM competition sa bawat regional police offices sa buong Pilipinas ay isang direktiba mula sa national police headquarters.
Layon nitong suriin at subukin ang operational readiness, equipage, kagalingan at kapabilidad ng mga CDM contingents ng mga PPO sa pagtugon sa iba’t ibang mga sitwasyon tulad na lamang ng mass action at public disturbance sa rehiyon, base sa ipinapatupad na police operational procedure sa ating bansa.
Ayon kay PCpl Ma. Jane C Vega, PPIO PNCO, ang CDM ay isang taktika “to resist disturbance from which it means an act of violence and disorder prejudicial to the public law and order such as riots, acts of violence, insurrections, unlawful obstructions, or civil disobedience where the participants become hostile toward authority, and authorities incur difficulties in maintaining public safety”.
Sa nasabing paligsahan, ang bawat CDM contingent ay binigyan ng mga teyoretikal na sitwasyon upang subukin kung paano sila magreresponde sa iba’t ibang pagkakataon tulad ng pagpo-protesta ng mga raliyista habang may bumibisitang VIPs, pagsasagawa ng Senate inquiries, at maging sa mga pagkakataon tulad ng hostage-taking.
Mayroong tatlong bahagi ang ebalwasyon. Una na riyan ang pagsisiyasat sa CDM composition at support personnel, mga uniporme, and kagamitan. Ang ikalawa ay ang pagtatanghal ng company-size complement ng walong pangunahing CDM formations. Ikatlong bahagi ay ang pagsuri sa kakayaahan ng mga contingent sa pagharap sa mga scenario sa pamamagitan ng paggamit ng akmang pormasyon at taktika.
Idedeklara ang mananalong PPO sa ika-3 ng Setyembre sa Pana-ad Stadium,Bacolod City, kapag natapos nang magtanghal ang mga contingent mula sa Bacolod City Police Office at Negros Occidental PPO.