Aklan News
KALIBO AIRPORT AT CATICLAN JETTY PORT, BINIGYAN NG THERMAL AT IMAGING SCANNER NI 2ND DISTRICT CONG. HARESCO
Binigyan ng tig-iisang set ng thermal imaging equipment ang Kalibo International Airport at Caticlan Airport bilang pagsuporta sa programa ng Aklan Provincial Government laban sa Covid-19 pandemic.
Sa turn over ceremony kahapon sa Kalibo International Airport, pormal na ibinigay ni Aklan 2nd District Congressman Ted Haresco kay CAAP OIC Eusebio Monserate Jr. ang isang set ng thermal scanner na ipinagkaloob naman ng Jaime V. Ongpin Foundation Inc.
Ayon kay Haresco, “pinaka high tech” umano ang mga nasabing euipment dahil narin sa high tech face recognition nito kung Covid positive ang isang pasahero ng eroplano ay agad na madedetect.
Ayon pa kay Haresco, isang set din ng nasabing equipment ang para naman sa Caticlan Airport, maliban pa sa mga ibinigay na non contact forehead thermometer.
Samantala, dumalo rin sa nasabing turn over ceremony ang ilang provincial government officials, mga taga Aklan PPO, at kinatawan ng ilang airline companies.