Connect with us

Aklan News

KALIBO ATI-ATIHAN FESTIVAL 2022 TULOY NA TULOY

Published

on

Ipinasiguro ni Kalibo Mayor Emerson Lachica na tuloy na tuloy na ang Sr. Sto. Nino Ati-atihan Festival 2022.

Ayon kay Mayor Lachica tuloy ang nasabing taunang okasyon ngunit ipinahayag nitong walang Sadsad sa Kalye na magaganap.

Aniya, hindi pa tayo nakakabalik sa dati lalo na ngayon na may banta ng Omicron variant ng Covid-19.

Dagdag pa ng alkalde na mahirap makipagsapalaran sa ganitong klaseng sitwasyon lalo na kung kalusugan ng bawat Aklanon ang nakasalalay.

Samantala, wala naman aniyang dapat ikalungkot kahit na walang magaganap na Sadsad sa Kalye, mayroon pang ibang aktibidades sa darating na Ati-atihan Festival, isa na dito ang Search for Mutya it Kalibo Ati-atihan Festival 2022.

Bukod dito ay mayroon din na mga plea market at mga “kaean-an” sa Pastrana Park at Magsaysay Park.

Kaugnay naman sa pagkakaroon ng bandang magpe-perform sa Magsaysay Park ay hinihintay pa ng LGU Kalibo ang approval ng National IATF.

Mahigpit naman ang paalala ni Mayor Lachica na sumunod lamang sa mga ipinapatupad na minimum health standard lalo na ang pagsusuot ng facemask at social distancing.

Sa kabilang banda, pinabulaanan ni Mayor Lachica na ang ginastos sa Christmas party ng mga kawani ng kanyang tanggapan ay nanggaling sa pondo ng Office of the Mayor.

Ang pondong ginamit sa nasabing Christmas Party na ginanap sa Le Soleil De Boracay ay nanggaling sa bulsa ng bawat empleyado at hindi nagmula sa pondo na gobyerno.