Connect with us

Aklan News

PUROK 1-KALIBO, MAY 60 TOTAL COVID-19 CASES NA

Published

on

Nasa 60 na ang kaubuuang numero ng COVID-19 cases sa Purok 1, Pob. Kalibo lamang.

Sa ekslusibong panayam kay Pob. Brgy. Capt. Neil Candelario, sa 1st batch na 86 na isinailalim sa swab testing, 22 dito ang nagpositibo sa covid-19 habang dagdag na 14 ang nagpositibo sa 2nd batch na isinailalim din sa RT-PCR test.

Inaasahan naman ni Candelario na madadagdagan pa bilang ng mga nagpositibo dahil sa may mga pending pang result matapos hindi nakapagpalabas kagabi ang Aklan Molecular laboratoty matapos diumano’y magka deperensya ang machine nito.

Ayon pa kay Cadelario, pinayuhan na niya ang mga purok leaders na tulungan ang munisipyo at probinsya sa pag monitor sa kanilang mga lugar at ireport agad sa otoridad ang makitaan ng sintomas.

Layon nito na hindi na kumalat ang virus sa kalapit na mga purok o lugar na posibleng mangyari kung patuloy na magpabaya ang mga tao sa lugar.

Sa kabuuan, may 64 COVID-19 cases ang Pob. Kalibo.