Connect with us

Aklan News

KALIBO ELEM. SCHOOL, BINAHA; MGA DELEGADO NG PROVINCIAL MEET DOON, DISMAYADO

Published

on

Kalibo – Dismayado ang mga delegado ng provincial meet partikular ang mga taga Altavas Elem. School, matapos silang bahain sa Kalibo Elem.School kaninang madaling araw dahil sa sobrang lakas ng ulan.

Dahil dito, napilitang maghanap ng pansamantalang matutulugan ang ilang mga guro at estudyante ng Altavas Elem. School, habang nagtiis namang natulog sa mga upuan ang ilang guro at mag-aaral.

Napilitan din silang ilagay sa mataas na bahagi ng classroom ang kanilang mga gamit para hindi maabot ng tubig-baha.

Ayon sa ilang mga guro, nagmula sa sahig ng mga comfort rooms ang tubig hanggang sa sahig na umabot ng lagpas bukong-bukong.

Baha din ang bahaging playground ng eskwelahan, rason na naging limitado ang pagkilos ng mga delegado.

Kasalukuyan namang ginagawan ng paraan ng mga kinauukulan ang sinasabing ‘first time’ na pagbahang naranasan ng paaralan lalo pa’t hanggang bukas pa ang provincial meet.

Samantala, isinisi naman ng mga guro sa umapaw na drainage system ang nasabing pagbaha.