Connect with us

Aklan News

KALIBO HEALTH AND BIRTHING CENTER, PLANONG GAWING PRIMARY HOSPITAL

Published

on

Plano ng Local Government Unit (LGU) ng Kalibo na gawing primary hospital ang Kalibo Health and Birthing Center.

Ito ang ipinagmalaki ni Mayor Emerson Lachica sa panayam ng Radyo Todo.

Ayon kay Lachica, aprubado na diumano ng Department Of Health (DOH) na ang kasalukuyang Kalibo Health and Birthing Center ay gagawing ospital.

Dagdag pa ng alkalde na mayroon ng kaukulang badyet ang DOH para dito upang maging lubusang maging ospital kung saan mas mapaglilingkuran na nang maayos ang Kalibonhon pagdating sa aspetong medical at iba pa.

Subalit malaking hamon aniya para sa kanila ngayon ang kanilang Personnel Services (PS) limitation.

Kung magiging ospital ang Kalibo Health and Birthing Center ay kinakailangan nilang mag-hire ng mga doctor, nurses at iba pang medical personnel ngunit dapat ay hindi sila lalagpas sa kanilang PS limitation.

Pahayag pa ni Lachica, simula umanong umupo siya sa pag-alkalde ay halos naabot na nila ang PS limitation.

Kaugnay nito ay magsasagawa ang LGU Kalibo ng re-structuring o bagong organizational structure upang sa susunod na taon ay puwede nang madagdagan ang mga posisyon sa kani-kanilang mga opisina.

Samantala, ipinahayag ng alkalde na sakaling matanggap na nila ang “go signal” mula sa DOH, ay posibleng isasailalim nila ito sa Economic Enterprise kung saan walang PS limitations.