Aklan News
KALIBO INTERNATIONAL AIRPORT HANDA NA PARA SA MGA INTERNATIONAL FLIGHTS SA ILALIM NG NEW NORMAL
HANDA na ang Kalibo International Airport sa muling pagbabalik ng mga international flight kasunod ng pagbubukas ng bansa sa mga fully vaccinated international tourists simula Pebrero 10.
Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)–Aklan Manager Engr. Eusebio Monserate Jr., ang pasilidad at terminal building ng Kalibo International Airport ay handa na para sa nasabing operasyon kung saan kaunting adjustments nalang para sa new normal requirements ang kanilang kailangan.
“…diri sa aton sa paluparan naton sa Kalibo, masiling nakon nga ang aton facilities, ang aton nga terminal building is ready na for operation and we just need gamay nalang na mga adjustment as to new normal requirements”, pahayag ni Monserate.
Ang ilan sa mga biyaheng inaasahang lalapag sa Kalibo International Airport ay ang mga international flights mula sa bansang China, Korea at iba pang bansa sa Southeast Asia.
Saad ni Monserate ang mga nabanggit na bansa ay dati nang bumabiyahe sa paliparan at kabisado na nila ang mga requirement ng Kalibo International Airport kaya’t inaasahan nila na ang mga ito ang unang magkaka-interes na bumiyahe ulit sa lalawigan ng Aklan.
Samantala, positibo si Monserate na kasabay ng pagbubukas ng bansa sa mga fully vaccinated international tourists ay muling babalik sa dating sigla ang paliparan gayundin na muling tataas ang antas ng ekonomiya ng lalawigan.