Connect with us

Aklan News

Kalibo International Airport, may bagong CAAP manager

Published

on

Uupo bilang bagong Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) manager ng Kalibo International Airport si Engr. John William Fuerte bilang kapalit ni Engr. Eusebio Monserate.

Sa panayam ng Radyo Todo, kinumpirma ni Monserate na epektibo bukas, unang araw ng Hulyo ay lilipat na siya sa Area VII sa Bohol.

“May una eon kita nga order nga effective July 1, kita hay ma assign sa Region 7,” aniya.

Sakop ng kanyang pangangasiwaan sa Area VII ang Mactan Cebu International Airport, Bohol-Panglao International Airport, Dumaguete, Siquijor at Ubay Airport.

Ayon kay Monserate, marami siyang napagdaanang hamon sa pag-upo bilang manager ng KIA, kabilang na dito ang runway expansion, bagyo na kung saan nag-collapse ang kisame ng paliparan, Boracay closure at pandemya.

Sa kabila nito ay nalampasan nila ito sa tulong na rin aniya ng mga empleyado, stakeholders at komunidad na kanyang lubos na pinasasalamatan.

Si Monserate ay nagsilbing CAAP manager sa KIA sa loob ng halos apat na taon.

Papalitan siya ni Engr. John William Fuerte, outgoing Airport Manager sa Roxas na isang civil engineer at dati na ring naging Assistant Airport Manager sa KIA noong 2016.