Aklan News
Kalibo International Airport ‘not safe’ pa dahil walang obstruction lights – CAAP
KALIBO – Hindi pa kabilang sa mga certified international airports sa Southeast Asia ang Kalibo International Airport dahil hindi pa ito ligtas ayon kay Engr. Eusebio Monserate Jr. Officer in Charge ng CAAP-Kalibo,
Nagsagawa kanina ng pagpupulong ang CAAP katuwang ang mga antenna owners na sakop sa obstruction limitation surface ng paliparan para pag-usapan ang kahalagahan ng mga obstruction lights.
Ayon kay Monserate, nakita sa audit finding ng safety office na ang KIA ay ‘not safe’ o mapanganib pa dahil ang mga lugar na sakop sa coverage area na 2.5 km radius na daanan ng eroplano ay walang obstruction lights.
Paliwanag nito, importante ang mga obstruction lights lalo na sa night operations dahil ito ang nagsisilbing signal sa mga piloto na ang isang lugar ay may mataas na antenna.
Binigyang diin rin ni Monserate ang wastong pagpintura sa mga towers.
Hiling ni Monserate sa mga antenna owners na maayos na ang kanilang mga obstruction lights bago ang pagbalik ng mga commercial flights na minungkahing ibalik sa October.