Connect with us

Aklan News

Kalibo Int’l Airport, magbubukas na sa international flights sa June 17

Published

on

Magbubukas na para sa international flights ang Kalibo International Airport sa darating na Hunyo a-17.

Ito ang kumpirmasyon ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)–Aklan Manager Engr. Eusebio Monserate Jr. sa panayam ng Radyo Todo.

Aniya, Incheon, South Korea pa lamang ang may direct flights papunta at pabalik sa paliparan sa gitna ng pandemya.

Inaasahang lalapag sa paliparan ng Kalibo ang nasabing biyahe mula sa South Korea para sa kanilang inagaural flight sa Hunyo 17 ng hatinggabi.

Bago mag-pandemya marami na ang flights na naitatala ng Kalibo International Airports na nangmumula sa Incheon, South Korea.

Pahayag pa ni Monserate, dalawang beses lamang ang kanilang magiging biyahe sa loob ng isang Linggo.

Samantala, nakikipag-ugnayan na rin sa kanila ang iba pang mga airline companies para magbalik ng kanilang biyahe.

Sa pamamagitan nito, mas magiging madali na para sa mga turista lalo na sa mga Korean nationals na pumunta sa isla Boracay.

Kaugnay nito, magbabatay naman sa executive order na ipinalabas ng Aklan provincial government ang mga ipapatupad na requirement para sa mga turista at biyahero.