Connect with us

Aklan News

Kalibo itinanghal na Top 9 Most Competitive Municipality sa buong bansa

Published

on

ITINANGHAL bilang T0P 9 Most Competitive Municipality Nationwide (1st to 2nd Class Municipalities) ang bayan ng Kalibo batay sa Cities and Municipalities Competitive Index (CMCI) Rankings 2022.

Ayon kay Mayor Juris Sucro, ang Bagong Kalibo ang tanging munisipalidad sa buong Visayas Region ang nakapasok sa Top 10.

Ang nasabing Cities and Municipalities Competitiveness Index ay taunang ranking  ng mga lungsod at munisipalidad sa Pilipinas na binuo ng National Competitiveness Council sa pamamagitan ng Regional Competitiveness Committees (RCCs) sa tulong ng United States Agency for International Development.

Samantala, niraranggo ang mga lungsod at munisipalidad batay sa pangkalahatang competitiveness score na siyang kabuuang marka sa five main pillars,(economic dynamism, government efficiency, infrastructure, resiliency, and innovation), kung saan ay pinagsasama-sama ang mga  data mula sa ilang mga sub-indicators.

Natutukoy ang marka sa halaga ng aktwal na data, gayundin ang pagkakumpleto ng isinumiteng data.

Dito nakikita na kung mas mataas ang marka ng isang  lungsod o munisipalidad, ay mas mataas din  ang competitiveness nito.