Connect with us

Aklan News

Kalibo Mayor Sucro, full support sa mga kapulisan sa Aklan

Published

on

IPINASIGURO ni Kalibo Mayor Juris Sucro ang kanyang suporta sa lahat ng mga kapulisan sa lalawigan ng Aklan.

Ayon kay Mayor Sucro, bukas siya sa anumang tulong na kakailanganin ng mga kapulisan lalo na kung ito ay ikakaresolba ng iba’t-ibang kaso.

Aniya pa, kung kinakailangan sumunod pa siya sa mga operasyon ng mga pulis ay handa siyang sumama.

“Umadto eang sanda kakon kung ano ro andang kinahang-ean, then they have my support. Kung kinahang-ean masunod pa ngani ako kanda, ibahan ko sanda,” wika ni Sucro.

Naniniwala ang alkalde na sa pamamagitan nito ay ibabalik ng mga kapulisan ang kabutihang ito sa mga mamamayan.