Aklan News
Kalibo MEEDO head, nakipag-ugnayan na sa Market Administrator hinggil sa reklamo ng mga vendor sa Kalibo Public Market


INIHAYAG ni Municipal Economic Enterprise and Development Office (MEEDO) head Mary Gay Quimpo-Joel na nakipag-usap na siya kay Market Administrator Abel Policarpio upang matugunan ang problemang idinadaing nga mga vendor sa Kalibo Public Market.
Kinumpirma sa Radyo Todo ni Joel na nakatanggap siya ng sulat mula kay Ginang Rosalie Tampos na kumakatawan sa mga vendor sa merkado publiko upang maipa-abot sa kinauukulang ahensiya ang kanilang mga problema.
Ani pa Joel, batay sa sulat na ipinadala sa kanya ni Ginang Tampos, may sampu itong concerns na ipina-abot sa kanya.
Isa na rito ang inirereklamong illegal vendors sa loob ng Kalibo Public Market.
Kaugnay nito, sinabi ni Joel na kinausap na niya si Market Adminstrator Abel Policarpio upang malaman kung sinu-sino ang mga nagbebenta sa loob ng merkado na walang Mayor’s Permit.
Saad pa ng MEEDO head kina-usap na niya si Mayor Juris Sucro kaugnay sa mga problema na Kalibo Public Market.
Dagdag pa nito, isinuhestiyon niya sa alkalde na i-reactivate ang Inter-Agency Task Force in Public Safety Peace and Order.
“Daya ngara nga task force hay naga-comprise ra it Business Permit and Licensing Division, Treasurer’s Office, Municipal Ordinance Officer ag ro Sanitation naton, dapat may una man nga mga Sanitary Inspector,” pahayag ni Joel.