Aklan News
Kalibo, nangunguna sa mga bayan sa Aklan na may pinakamaraming single
Ang bayan ng Kalibo ang may pinakamaraming numero ng mga single o never married sa Aklan batay sa Philippine Statistic Authority.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Senior Statistical Specialist Peter Mangilog ng PSA-Aklan, sinabi niya na mula sa 497, 229 kabuuang household population ng mga edad 10 pataas, 197, 653 o 39.8 percent dito ang mga single o never married base sa resulta ng 2020 Census of Population and Housing.
Sa nasabing numero 108, 930 o 55.1% ang mga single na lalaki at 88, 723 o 44.9% ang mga babae.
Bumawas ng 2.9% ang bilang ng mga naitalang single sa latest survey kumpara sa 203,583 na naitala noong 2015.
Samantala, nangunguna ang Kalibo sa may pinakamaraming single na may 14.6 % o 28, 798.
Sinundan ito ng Malay (8.7% o 17, 155), Ibajay (8.6% 0 17, 092), New Washington (7.6% o 15,007) at Nabas (6.7% o 13, 290).
Ibajay ang nangunguna sa may pinakamaraming single na lalaki na nasa, ikalawa ang Malinao, sunod ang Altavas, Madalag at Nabas.
Nasa Kalibo naman ang may pinakamaraming babaeng single o never-married, sinundan ito ng Numancia, Libacao, Banga at Malay. /MAS