Connect with us

Aklan News

Kalibo Pastrana Park, pinapaganda na para sa nalalapit na Opening Salvo, Pasko at New Year

Published

on

IMAGE: https://www.expedia.com.ph

Unti-unti nang sinisimulan ng pamahalaang lokal ng Kalibo ang pagpapaganda ng Kalibo Pastrana Park bilang paghahanda sa mga nalalapit na mga aktibidad ngayong ber months.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Vice Mayor Cynthia dela Cruz, ilang beses na raw silang nagpulong kaugnay sa mga planong gagawin para mas mapaganda ang Kalibo Pastrana Park.

Magkakaroon din sila ng mga consultative meeting kasama ang mga artist at architect para mapag-usapan ang magiging overall design at kulay na gagamitin sa mga palamuti na ilalagay sa plaza.

Habang pinagpaplanuhan pa ang mga bagay na ito, una muna nilang pina-trim ang mga puno sa loob ng Pastrana.

Nabanggit din ng bise alkalde na nag-order na ng mga lights o palamuti si Kalibo Mayor Juris Sucro para sa mga puno.

Dagdag pa niya, marami pa silang mga balak na gawin sa Kalibo Pastrana Park na hindi pa muna nila ipapahayag sa publiko.

Ang opening salvo para sa Ati-Atihan Festival 2023 ay gaganapin sa Oktubre 8 kasabay ng ika-100 araw sa puwesto bilang alkalde ni Mayor Juris Sucro. (MAS)