Connect with us

Aklan News

Kalibo PNP, nagpaalala sa pagkalat ng “benta slot” scam‎

Published

on

Photo: Kalibo MPS/Facebook
‎NAGPAALALA ang Kalibo PNP sa pagkalat at pagsali ng ilang mga indibidwal sa isang investment scam na “Benta Slot Machine.”
‎Ang “benta slot” ay kilala rin sa mga estilong “paluwagan”, “profit sharing,” o di kaya’y “benta sahod” na ang layunin ay mang-akit ng mga investors na mamuhunan at magkaroon ng mataas na tubo sa maikling panahon.
‎Dagdag pa ng Kalibo PNP, madaling makikila ang investment scam na ito kung ito’y hindi rehistrado, recruitment-based, nangangako ng mataas na kita sa maikling panahon, at walang malinaw na negosyo o hindi transparent na accounting.
‎Hinihikayat naman ng kapulisan na makipagtulungan sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o sa PNP Anti-Cybercrime Unit sa mga numerong +63 915 589 8506 (Globe) at +63 961 829 8033 (Smart) sa mga kaduda-dudang mga aktibidad.
‎Matatandaang kahapon, Mayo 15, dumulog sa Kalibo Municipal Police Station ang may higit sa 13 mga indibidwal matapos mabiktima ng “Benta Slot” scam. l Ulat ni Arvin Rompe