Aklan News
Kalibo PNP nilinaw ang mga kumakalat na litrato ng crime scene sa Ambay killing


Nilinaw ng Kalibo PNP ang mga kumakalat na kopya ng litrato ng crime scene partikular ang nakataas na damit ni Bona Ambay, ang 23-anyos na reliever manager na pinaslang sa loob mismo ng RD Pawnshop Kalibo 6.
Sa isinagawang press conference ng Kalibo PNP, pagsisiguro ni PLt. Aubrey Ayon sa mga media na sa kanilang pagresponde sa crime scene, nakababa ang damit ng biktima, nakabukas ang vault at mga drawer.
“Ro plastada gid-a karon hay nakapanaog ta ro eambong it biktima, nakabukas do vault ag may mga drawer nga nakabukas,” pahayag ni PLt. Ayon.
Aniya, maaaring ang kumakalat na litrato ay kuha pagkatapos na ng processing ng mga otoridad.
Paliwanag ni Ayon, may mga pagkakataon na itinataas ang damit ng isang biktima upang ma-check ang katawan nito.
Saad pa ng opisyal na hindi sila nagsasabi ng konklusyon ngunit may ililalatag lamang nila ang mga posibilidad.
“May mga tendency abi ron after sa processing hay gina-check ro eawas, so basi ruyon nga picture… owa kami gatao it conclusion pero posible, ruyon nga picture hay pagbukas eot-a.”
Dagdag pa nito, kung izo-zoom umano ang naturang picture ay makikita na may mga bakas na ng dusting kung saan nangangahulugang tapos na ang kanilang pag-process.
Samantala, kaugnay naman sa tanong na kung ang biktima ay ginahasa, masasagot lamang aniya ito kapag natapos at lumabas na ang resulta ng autopsy examination.